fbpx
CLTV36 NEWS Central Luzon News

Petron refinery sa Bataan magsasara sa Enero 2021

BATAAN– Kinumpirma ni Petron President and CEO Ramon Ang na magsasara na ang kanilang refinery sa Limay sa susunod na buwan.

Matatandaang October 27 nang magbabala si Ang sa napipintong refinery shutdown kung hindi aaksyunan ng gobyerno ang daing ng mga oil importer at refiners.

Isa ang excessive tax o napakalaking bayarin sa buwis sa mga dahilan kung bakit magsasara ang Petron refinery.

Pinapatawan kasi ng 12 percent value added tax (VAT) ang imported na krudo na siyang pinoproseso sa refinery bago ibenta sa merkado.

Ang refined crude oil ay muli nanamang papatungan ng 12 percent vat at excise tax.

Hindi hamak umanong mas mura ang gastusing buwis ng mga oil importer na tanging vat at excise tax lamang ang binabayaran sa kanilang mga inaagkat na refined oil products.

Nilinaw rin ni Ang na nailapit na nila sa Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue, Department of Trade and Industry at sa Department of Energy ang kanilang problema sa tax imbalance.

Ang kasalukuyang tax regime ay mas nakapagpabigat umano sa financial problem na kinahahrap ng Petron.

Sa katunayan, P14.2 billion ang net loss ng kumpanya sa unang quarter ng taon. Malayong malayo sa P2.6 billion net income noong kapaerhong buwan ng 2019.

Samanatala…

Sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na on-going ang kanilang dialogue sa Department of Finance upang agad masolusyunan ang tax concern ng giant oil player.

“We are also evaluating how a closure scenario would impact pricing, as well as the country’s energy security,” ani Cusi.

Tiyak na may epekto raw kasi ang shutdown sa presyo ng mga bilihin at energy security ng bansa.

May kapasidad kasi ang naturang refinery na makagawa ng 180,000 barrel-per-day ng langis.

Binigyang punto naman ni Ang na hindi permanent ang isasagawang refinery shutdown, sa oras na magbalik sigla muli ang estado ng ekonomiya ay muli silang magbabalik operasyon.

Mayroong higit 1,000 empleyado ang Bataan Refinery. | Ulat ni Reiniel Pawid/JYD

FOLLOW US on:

facebook.com/cltv36official

facebook.com/cltv36news

twitter.com/CLTV36

youtube.com/cltv36official

instagram.com/cltv36official

#CLTV36 #CLTV36News #CLTV #CLTVNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

How would you rate your satisfaction with our website?*

Do you have any comments, questions, and concerns?