PELCO I, II, III, may bawas-singil ngayong Enero; power rate ng SFELAPCO, tumaas
Bumaba ang singil sa kuryente ng ilang electric cooperative sa Pampanga ngayong Enero kumpara noong December 2025, batay sa kanilang latest power rate advisories.
Sa Pampanga I Electric Cooperative (PELCO I), nasa ₱8.98 per kilowatt-hour na lamang ang singil ngayong January mula ₱9.18 noong December 2025.
Para ito sa mga consumer na may humigit-kumulang 200 kilowatt-hour na konsumo.
Ang PELCO II naman ay nagtala ng pagbaba mula ₱10.6245 kada kilowatt-hour noong Disyembre patungo sa ₱10.2334 ngayong Enero.
Ang naturang rate ay base sa humigit-kumulang 100 kilowatt-hour na konsumo ng residential consumers.
Sa PELCO III, bumaba rin ang singil sa kuryente mula ₱10.7797 per kilowatt-hour noong nakaraang buwan patungo sa ₱10.4043 kada kilowatt-hour ngayong Enero.
Samantala, tumaas naman ang singil sa kuryente ng San Fernando Electric Light and Power Company (SFELAPCO).
Mula ₱11.10 per kilowatt-hour noong December 2025, umakyat ito sa ₱11.36 kada kilowatt-hour ngayong Enero para sa residential consumers na kumokonsumo ng tinatayang 240 kilowatt-hour.
Paalala sa mga consumer, mas mainam kung i-monitor ang inyong konsumo, magplano nang maayos, at maging responsable sa paggamit ng kuryente upang makatipid. #
