‘Pana-Panahon’: Bagong dating show ng RBC Media Group, kilig ang hatid ngayong Feb-Ibig
Sa pagsisimula ng Love Month, mas pinainit pa ang selebrasyon ng Feb-Ibig sa Pampanga sa paglulunsad ng isang bagong dating show na target pagsamahin ang mga pusong handang magmahal.
Opisyal na ipinakikilala ng RBC Media Group ang ‘Pana-Panahon’, isang live matchmaking event na nagbibigay pagkakataon sa mga single at ready to mingle na subukan ang kapalaran sa pag-ibig ngayong Valentine’s season.
Tampok sa programa ang mga tinaguriang heart seekers o mga kalahok na bukas sa bagong koneksyon.
Hindi lamang tapang at lakas ng loob ang sinusubok sa ‘Pana-Panahon’, kundi pati ang tibok ng puso ng bawat kalahok habang hinaharap nila ang hamon ng modern dating sa harap ng live audience.
Pangungunahan ni DJ Kian, mas kilala bilang Mr. Kupido, ang dating show na bukas hindi lamang sa mga kalahok kundi pati sa publiko.
Layunin ng programa na gawing mas masaya, makabago, at mas bukas ang usapan pagdating sa paghahanap ng pag-ibig, lalo na para sa mga pagod na sa paghihintay ng “organic encounter.”
Gaganapin ang launching ng ‘Pana-Panahon’ sa Lakeshore Philippines sa Mexico, Pampanga sa darating Linggo, February 8 (6 PM), kung saan inaasahang mag-uumapaw ang kilig, tawanan, at mga hindi inaasahang love connections.
Bilang dagdag sa Valentine’s excitement, may pagkakataon ding manalo ang audience ng isang Valentine’s Date for Two na handog ng Lakeshore Philippines.
Para sa karagdagang detalye at updates, maaaring bisitahin ang official social media pages ng CLTV36, RW 95.1 FM, at Lakeshore Philippines. #
