fbpx
CLTV36 NEWS Central Luzon News

Palay ng mga local farmer, bibilhin ng NFA-Tarlac

TARLAC– Upang matulungan ang ating mga kababayang magsasaka na apektado ng pandemiya at sunod-sunod na bagyo, naglaan ang National Food Authority Tarlac ng P361 million para sa Rice Procurement Program.

Hangad ng naturang programa na bilhin ang aning palay ng mga local farmer sa halagang P19.00— hindi hamak na mas malaki kumpara sa presyong kanilang nakukuha sa private trading na naglalaro lamang sa P13.00 hanggang P15.00.

Noong nakaraang taon nasa isang libong magsasaka at 150 cooperatives na ang nagparehistro sa NFA upang agad na maibenta ang kanilang mga palay.

Base sa datos ng NFA Tarlac, as of November 5, nakabili na sila ng 541,000 bags ng palay mula sa mga local farmer.

Bukod sa itinalagang sampung buying stations o bilihan ng palay sa buong lalawigan, nagbigay na rin ng libreng trucking service ang NFA para sa paghakot ng mga ani ng mga magsasaka.

Samantala…

Kung hundi naman umabot sa maximum 14 percent moisture content ang palay, mayroong solar at mechanical dryers sa Concepcion at Aguso na libre ring magagamit ng mga magsasaka.

Maari naman umanong dumiretso ang mga magsasaka sa tanggapan ng NFA upang magbenta ng kanilang palay. | Ulat ni Reiniel Pawid

FOLLOW US on:

facebook.com/cltv36official

facebook.com/cltv36news

twitter.com/CLTV36

youtube.com/cltv36official

instagram.com/cltv36official

#CLTV36 #CLTV36News #CLTV #CLTVNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

How would you rate your satisfaction with our website?*

Do you have any comments, questions, and concerns?