Pagkakaaresto kay ex-President Digong, patunay na walang nakatataas sa batas: CALDĀ

Itinuturing ng Council of Asian Liberals and Democrats (CALD) na isang makasaysayan at mahalagang hakbang tungo sa hustisya ang pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes, March 11. Kasunod ito ng inilabas na warrant ng International Criminal Court (ICC) laban sa kanya dahil sa kasong crimes against humanity kaugnay ng war on drugs ng kanyang administrasyon.
Para sa CALD, ang pagtanggap at pagpapatupad ng pamahalaan ng Pilipinas sa warrant ay pagpapakita ng kahandaan nitong sumunod sa proseso ng international law. Anila, ito ay isang tagumpay sa patuloy na laban para sa pananagutan at paggalang sa karapatang pantao.
Dagdag pa ng grupo, mahalaga ang paglilitis ng ICC upang mailantad ang kalupitan ng mga pamamaslang at mapanagot ang mga responsable rito. Umaasa rin ang grupo na ganap na makikipagtulungan ang gobyerno ng Pilipinas upang matiyak ang mabilis na pag-usad ng kaso.
Ang CALD ang tanging liberal at demokratikong alyansa sa buong Asya na nagsusulong ng mga diskusyon at diyalogo kaugnay ng mga usaping nakaaapekto sa karapatang pantao, demokrasya, at batas sa rehiyon.
Mula pa man noong 2016, mariin nang kinukundena ng CALD ang war on drugs ni Duterte. Bagamaāt kinikilala nilang isang lehitimong layunin ng estado ang pagsugpo sa iligal na droga at kriminalidad, iginiit nilang kailangang igalang ng otoridad ang batas at mga pandaigdigang kasunduan pagdating sa usapin ng karapatang pantao.
Kinilala rin ng grupo ang naging pahayag ni dating Senador Leila de Lima, na kilala bilang matagal nang kritiko ng dating pangulo at nakulong sa loob ng pitong taon dahil sa diumanoāy āfabricated drug chargesā. Ayon kay De Lima, āToday, Duterte is being held accountable ā not to me, but to the victims, their families, and a world that refuses to forget. This is not about vengeance. Itās about justice being served.ā
Para sa CALD, ang pag-aresto kay Duterte ay isang matibay na patunay na walang sinuman ang nakatataas sa batas. Umaasa silang sa pagtatapos ng paglilitis sa ICC, makakamit ng mga biktima at kanilang pamilya ang matagal nang inaasam na hustisya.