fbpx
CLTV36 NEWS Central Luzon News

P90-M facility, ipagkakaloob ng DA sa PSAU

PAMPANGA– Nagkaroon ng Memorandum of Agreement ang Department of Agriculture at Pampanga State Agricultural University para sa konstruksyon ng meat cutting plant at cold storage warehouse sa Magalang.

Nagkakahala ng P90 million ang mga imprastrakturang itatayo na pinondohan ng DA- National Meat Inspection
Service.

Malaking tulong umano ito sa mga local farmer upang mas mapagibayo ang kalidad ng mga locally-produce meat.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, magandang panimula ang proyekto upang maiwasan na ang meat importation na siyang kumikitil sa mga nasa poultry and livestock sector.

“Ngayong may additional budget na tayo at gusto na nating maalis ang problemang importation ng mga meat sa ating bansa, maganda na mayroon tayong facilities,” ani Dar.

Target ng DA na makapagbigay suporta ang pasilidad sa livestock industry ng buong Central Luzon.

Samantala…

Dahil nga sa epekto ng COVID-19 crisis sa ekonomiya, bumaba ng 10 percent ang chicken production sa rehiyon simula januaray hanggang june 2020.

Mula sa 345,839 metric tons noong 2019, naging 310,211 metric tons na lamang ito ngayong taon.

Hindi naman masyadong gumalaw ang hog production.

Noong unang quarter ng 2019 mayroong 217,606 metric tons at 217,006 metric tons naman ngayong 1st quarter ng 2020.

Gayunpaman nanatiling top poultry and hog producing region ang Central Luzon sa buong Pilipinas. | Ulat ni Reiniel Pawid /JYD

FOLLOW US on:

facebook.com/cltv36official

facebook.com/cltv36news

twitter.com/CLTV36

youtube.com/cltv36official

instagram.com/cltv36official

#CLTV36 #CLTV36News #CLTV #CLTVNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

How would you rate your satisfaction with our website?*

Do you have any comments, questions, and concerns?