P3.2-M reward, inialok para malutas ang tangkang pagpatay sa isang negosyante
ANGELES CITY – Mula sa tatlong milyong piso, P3.2 million na ngayon ang inilaang reward money para sa makapagtuturo ng suspek sa tangkang pamamaril kay Jeffrey Dizon, isang negosyante sa Pampanga.
Matatandaang nitong February 29 nang paulanan ng bala si Dizon sa mismong pamamahay sa Angeles City.
Base sa kanilang isinumiteng rekisitos sa pulisya, dapat ay maituro ng witness kung sino ang gunman at mastermind sa tangkang pamamasalang.
Dapat din umanong buhay ang ihaharap na suspek sa pamilya ng negosyante.
Itinaas ang reward money dahil sa patuloy umanong banta sa seguridad ni Dizon at ng kanyang pamilya.
Matapos ang nabigong pamamaslang noong pebrero, nasunadan pa umano ito ng pag-aligid sa kanila ng mga hindi kilalang lalaki noong Abril at Nobyembre.
Wala naman umanong nakaalitan ang negosyante at tanging gusot lang sa kanilang family business na St. Catherine Realty ang kanyang kinasasangkutan.
Gayunpaman, kanyang nilinaw na wala siyang pinagbibintangan at blanko a rin sa kung sino ang nasa likod ng ‘plot assasination’
Mismong si Central Luzon PNP Director Valeriano De Leon naman na ang bumuo ng security team para sa negosyante. | Ulat ni Reiniel Pawid
FOLLOW US on: