Nueva Ecija bettor, wagi ng higit ₱184-M sa Super Lotto 6/49

Naka-jackpot ng mahigit ₱184 million sa Super Lotto 6/49 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang lone bettor mula Santo Domingo, Nueva Ecija nitong Martes, November 11.
Ayon sa PCSO, nakuha ng nag-iisang nanalo ang winning combination na 4-25-20-14-12-5.
Pwede niyang i-claim ang premyo sa tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City sa loob ng isang taon, ngunit isasailalim sa 20% tax ang kanyang napanalunan alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Bukod sa grand prize winner, 103 na mananaya rin ang nanalo ng tig-₱50,000 matapos tamaan ang lima sa anim na numero.
Samantala, 3,928 ang tatanggap ng ₱1,200 bawat isa, habang higit 50,000 naman ang magkakamit ng ₱50 sa tatlong tamang numero.
Ang Super Lotto 6/49 ay isa sa mga regular game ng PCSO na binobola tuwing Martes, Huwebes, at Linggo. #
