Mga pulis sa Pampanga, nag-seminar tungkol sa mga election law
Bilang paghahanda para sa nalalapit na halalan, nag-seminar ang ilang mga pulis sa Pampanga tungkol sa iba’t ibang election laws.
Batay sa impormasyong ibinahagi ng Pampanga Provincial Police Office (PPO), idinaos ang Seminar/Workshop on Election-Related Laws and Rules sa Bale Katimawan, Syudad San Fernando nitong November 12, 2024.
Mismong si Atty. Lydia F. Florentino, ang Provincial Election Supervisor ng Pampanga, ang nagbigay ng lectures tungkol sa mga protocol at responsibilidad ng mga police officer na tatao sa polling precincts at checkpoints.
“This seminar strengthens our commitment to ensuring a peaceful and lawful election process,” ayon kay PCol. Jay C. Dimaandal, ang Director ng Pampanga PPO, sa isang pahayag.
Dagdag pa ng Provincial Police, simula pa lamang ito ng series of trainings para higit na ihanda ang kanilang hanay sa pagbabantay sa Midterm Elections sa May 12, 2025. (AS)
-30-