Menor de edad na PWD sa Mabalacat, dalawang beses umanong ni-r*pe ng kanyang bayaw
By Reyniela Tugay, CLTV36 News
Isang 15-anyos na Person with Disability (PWD) sa Brgy. Tabun, Mabalacat City, ang umano’y naging biktima ng panggagahasa ng sarili nitong bayaw—hindi lang isa, kundi dalawang beses pa umanong nangyari ang insidente.
Ayon sa salaysay ng biktima, unang naganap ang pang-aabuso sa loob mismo ng kanilang tahanan at naulit pa umano ito, kung saan ang pinakahuli ay naganap gabi nitong, Lunes, March 2.
Sa takot at pangamba, agad umanong humingi ng tulong ang tiyahin ng biktima sa kanilang barangay lalo pa’t nauna na palang nakasuhan ang suspek dahil sa umano’y panggagahasa rin sa panganay na kapatid ng biktima pero naareglo raw ito noon.
Sa kasalukuyan, nasa pangangalaga na ng Violence Against Women and Children (VAWC) Desk ng Barangay Tabun ang biktima, at inihahanda na ang direktang pagsasampa ng kaso laban sa suspek. #
