Mechanized farming, isinusulong sa Nueva Ecija
CITY OF SAN FERNANDO– Isinusulong ngayon sa lalawigan ng Nueva Ecija ang mechanize farming na layong higit na pagandahin ang ani ng mga magsasaka.
Sa ilalim ng programang Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF, 139 Farmer’s Cooperative ang tumanggap ng iba’t ibang mechanized farming equipment.
Kabilang na riyan ang 79 units of Four-Wheel-Drive Tractor, 30 units of Rice Combine Harvester, 4 units of Riding-Type Mechanical Rice Transplanter at 3 units of Walk-Behind Mechanical Rice Transplanter.
Naging possible ang naturang pamamahagi ng kagamitang pangsaka sa pagtutulungan ng Department of Agriculture at ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization o PhilMech.
“BIlang sumasaludo sa magiting na magsasakang Nueva Ecijano tanggapin ninyo ang 116 units assorted farm machinery na may kabuuang budget na P469.4 million,” ani PhilMech Director Baldwin Jallorina
Limang bilyong piso ang pondo ng RCEF kada taon.
Ayon sa DA, ang paggamit ng mkabagong teknolohiya sa pagsasaka ay mas makakapagpabilis sa pagtatanim at pag-ani ng ating mga local farmer, ibig sabihin mas mabilis ang balik ng kanilang mga puhunan at makapagtatanim ng mas maraming beses.
“Isa sa eight paradigms ay ang support ng legislative branch to provide additional funding sa ating agriculture sector”, ayon kay
Director Crispulo Bautista ng DA-III
Ulat ni Reiniel Pawid/JYD
FOLLOW US on: