Manny Pacquiao, muling sasabak sa boxing ring sa January 2026

Muling mapapanood sa ibabaw ng boxing ring si Pinoy boxing legend Manny Pacquiao matapos niyang ianunsyo ang kanyang pagbabalik sa laban sa darating na January 2026 sa Las Vegas, USA.
Sa edad na 47, susubukin muli ng ating Pambansang Kamao ang kanyang kakayahan sa kanyang second comeback fight pagkatapos ng halos apat na taon ng pamamahinga.
Bagama’t hindi pa sinasabi kung sino ang kanyang makakalaban, mataas ang posibilidad na ang American boxer at kasalukuyang WBA welterweight champion na si Rolando Romero ang kanyang makakatunggali.
Matatandaang huling lumaban si Pacquiao nitong July 2025 laban sa boksingerong si Mario Barrios para sa WBC welterweight title, kung saan nagtapos ang kanilang laban sa majority draw.
Sa kabila nito, marami sa mga fans ni Pacman ang naniniwalang siya pa rin ang nagwagi.
Ngayong muling naghahanda si Pacquiao, tiniyak niyang mas mahaba ang kanyang magiging training camp, na tatagal ng hindi bababa sa walong linggo, upang mas mapaganda at mapaayos ang kanyang kondisyon.
Bukod sa pagbabalik sa laban, abala rin ngayon si Pacquiao sa pagsuporta sa karera ng anak niyang si Jimuel, na nakatakdang sumabak sa una nitong professional fight sa California sa November 29, 2025 sa ilalim ng Manny Pacquiao Promotions. #
