Mabalacat Atlu Bola Bypass Road, aprubado na ng DPWH
By Reyniela Tugay, CLTV36 News
Aprubado na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang road connection ng Mabalacat Atlu Bola Bypass Road patungong NLEX Sta. Ines Exit.
Ito ay matapos ang pulong ni DPWH Secretary Vince Dizon at Mabalacat City Mayor Geld Aquino ngayong Biyernes, January 23.

Layon ng proyekto na maibsan ang matinding trapiko sa lungsod at makapagbigay ng mas mabilis, mas ligtas, at mas maayos na alternatibong ruta para sa mga motorista.
Noong nakaraang taon, personal na nakipagnegosasyon si Mayor Aquino sa iba’t ibang ahensyang may kinalaman sa proyekto. Kabilang dito ang isinagawang site inspection kasama ang mga opisyal ng NLEX Corporation upang suriin ang teknikal at operasyonal na aspeto ng bypass road.
Nakipagpulong din ang alkalde sa Toll Regulatory Board sa Clark Freeport Zone upang talakayin ang alignment ng proyekto at ang posibleng epekto nito sa Mabalacat City.
Inaasahang sa tuluyang pagpapatupad ng proyekto ay gagaan ang daloy ng trapiko at mapapabuti ang koneksyon ng Mabalacat City sa mga pangunahing lansangan. #
