Maagang pagtatanim, mungkahi ng DA para iwas bagyo
BULACAN– Mag-iisang buwan na matapos manalasa ng bagyong Ulysses, pero ang karamihan sa ating mga kababayang magsasaka hirap pa ring makabangon.
Kaya naman ang Department of Agriculture sinimulan na ang pagsasagawa ng agricultural intervention and assistance.
Ang mga magsasaka sa Bulacan, nakatanggap ng binhing palay at fertilizer na nagkakahalaga ng P176 million.
Sa ilalim ng Rice Resiliency Project naipamahagi ang higit 33,000 bags ng binhing palay.
Nakatanggap din sila ng lampas 81,000 bags ng fertilizers.
Batay sa tala ng Bulacan Agriculture Office nasa 10,000-12000 ekyarya ng sakahan ang nalubog sa baha dahil sa bagyong Ulysses.
Sa kabila ng pangyayari, hinikayat ni Agriculture Secretary William Dar ang mga magsasaka na magtanim na agad sa ikalawang linggo ng Disyembre upang maagang maka-ani sa susunod na taon at maiwasan ang panahon ng bagyo.
Ginarantiyahan din ng kalihim na sa pangkalahatan ay sapat pa ang buffer stock o tatagal ng hanggang tatlong buwan ang imbak na bigas ng pamahalaan para sa mga Pilipino. | Ulat ni Reiniel Pawid, CLTV News
FOLLOW US on: