fbpx
Pampanga News

Kasaysayan at kahalagahan ng Spoken Word Poetry, ituturo sa Museum of Philippine Social History

Handog ng National Historical Commission of the Philippines – Museum of Philippine Social History (MPSH) ang isang libreng Spoken Word Poetry Workshop ngayong National Arts Month.

Pinamagatang “KAWÁTASAN, KASALESÁYAN, KAPALSINTAN: Writing and Experiencing New Forms of Poetry”, gaganapin ang workshop sa Sabado, February 25 mula 8 AM hanggang 4 PM sa Audio Visual Room ng naturang museo sa Angeles City.

Katuwang dito ng MPSH ang performing arts group na Paper Soul. Resource speakers ang resident artists ng grupo na sina Gerone Baladhay, Arlin Salonga, at Raemie Tulabut.

Layon ng workshop na maituro ang kasaysayan, epekto, kung paano ito isulat at i-perform, maging ang kahalagahan ng Spoken Word Poetry sa kasalukuyang panahon. Dito rin papatunayan na ang naturang art form ay higit sa mga hugot na nakasanayan ng mga manonood.

Para sa mga nais mag-register, maaaring magtungo sa Facebook page ng Museum of Philippine Social History o i-click ang link na ito: https://bit.ly/3YQLdd3

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

How would you rate your satisfaction with our website?*

Do you have any comments, questions, and concerns?