Kapampangan artistry & devotion, tampok sa Lubenas ning Pasku sa Angeles City

Pinagyaman ng Lubenas ning Pasku 2025 ang Kapampangan Christmas tradition sa Angeles City Heritage District nitong Linggo, December 14.
Pinangunahan ng City Tourism Office ang aktibidad, katuwang ang Holy Rosary Parish, kung saan tampok ang prusisyon ng mga santo mula sa Brgy. Cutcut, Malabanias, Pampang, Pandan, Pulungbulu, Sta. Teresita, Sto. Domingo, Sto. Rosario, at San Nicolas

Bawat barangay ay ipinarada ang kani-kanilang sariling lantern, illuminated crosses, at iba pang religious images sa tradisyunal na Limbun route.
Nagtapos ang gabi sa muling pagbabasbas ng lahat ng naging Lubenas lanterns at pagbibigay ng espesyal na pagkilala sa mga natatanging delegado.

Ipinahayag naman ng Pamahalaang Lungsod ang pasasalamat sa mga barangay, simbahan, at organizers, at binigyang-diin ang Lubenas ning Pasku bilang simbolo ng pagkakaisa at pananampalataya ng mga Angeleño tuwing kapaskuhan. #
