KAISA KA, tinuligsa ang misogyny at nanawagan ng pantay na pagsusuri sa isyu ng pagtataksil sa relasyon
Naglabas ng pahayag ang KAISA KA hinggil sa kontrobersyang kinasasangkutan ng mga kilalang personalidad sa entertainment industry na sina Maris Racal, Anthony Jennings, kasama ang non-showbiz at dating kasintahan ni Anthony na si Jamela Villanueva.
Matatandaan noong December 3, inilabas ni Jamela sa kanyang Instagram ang mga screenshot ng umano’y pribadong usapan nina Anthony at Maris. Mabilis itong nag-viral. Naging laman ito ng balita at nagbukas ng mainit na talakayan sa social media. Umani rin ng magkakaibang opinyon ang naturang isyu na may kinalaman sa tiwala, privacy, at pananagutan sa isang relasyon. Isa sa mga nagbahagi ng kanilang pagsusuri at pananaw ang KAISA KA.
Ang KAISA KA ay isang progresibong organisasyon na nagsusulong ng gender equality at nagtataguyod ng mga patakarang magbibigay ng proteksyon at karapatan sa mga kababaihan, kabilang ang kanilang kalayaan sa pagpapasya, trabaho, at patas na pagtrato sa lipunan.
Ayon sa grupo, ang palitan ng mga pribadong mensahe nina Maris at Anthony ay maituturing na normal sa isang relasyon. Subalit binigyang-diin ng KAISA KA na hindi na normal kung ang isa sa kanila, gaya ni Anthony, ay may karelasyon pa dahil katumbas ito ng pagtataksil o betrayal at violation of trust.
Sa statement na inilabas ni Maris, iginiit ng aktres na hindi niya alam na may relasyon pa ang dalawa nang magkaroon sila ng ugnayan. Pero ayon sa grupo at batay na rin sa mga mensahe, tila alam ni Maris na magkasintahan pa sina Anthony at Jam.
Malinaw umano sa sitwasyong ito na si Anthony ang may pangunahing pananagutan.
“Anthony holds the primary accountability for this situation. As the person committed to Jam, it was his responsibility to end that relationship before pursuing another. His betrayal harmed both women emotionally and placed them in a position of public scrutiny. His actions perpetuate the harmful patriarchal norm that excuses men’s infidelity as a minor failing, while the women involved are vilified,” ayon sa grupo.
Dagdag pa ng KAISA KA, ang kontrobersiya ay nagbunga ng hindi pantay na pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan kung saan ang pagtataksil ng mga lalaki ay madalas raw na itinuturing bilang isang maliit na pagkakamali, habang ang mga kababaihan ay nagiging sentro ng matinding panghuhusga mula sa publiko.
Anila, bagama’t nagkaroon ng pagkukulang si Maris, mahalaga ring kilalanin ang pagiging kumplikado ng mga emosyon at desisyon sa ganitong mga sitwasyon,
“Being aware of Anthony’s existing relationship does not absolve her of responsibility, but it also does not warrant the disproportionate hate and misogyny directed at her. She, too, has been a victim of Anthony’s dishonesty and the public’s unfair judgment rooted in double standards,” giit ng grupo.
Habang sa sitwason ni Jam bilang pinagtaksilang kasintahan ay may karapatan umanong magalit at maglabas ng saloobin. Sa kabila nito, ang kanyang desisyong ilabas sa publiko ang mga pribadong mensahe ay isa raw paglabag sa privacy ni Maris.
“It violated Maris’ right to privacy and defamed her character. Jam had every right to confront Anthony and demand accountability, but weaponizing intimate exchanges to shame another woman perpetuates harm rather than addressing the root cause: Anthony’s betrayal,” paliwanag ng grupo.
‘Patriarchal Bias’
Dagpag pa ng KAISA KA, ang reaksyon ng publiko sa naturang isyu ay nagpapakita ng malalim na ‘patriarchal bias’ o pananaw at sistema sa lipunan na mas pabor sa mga kalalakihan, gaya umano ng mga puna at panghuhusga na nakatuon lamang kay Maris.
“Men’s infidelity is normalized. Society often dismisses it with the phrase “lalaki eh,” shifting responsibility away from them. Women are vilified. Both Maris and Jam have faced scrutiny and judgment, but Maris, as the “other woman,” has borne the brunt of public hate. This reflects how patriarchy pits women against each other instead of holding men accountable for their role in these situations,” giit ng KAISA KA.
Kaugnay nito, nanawagan ang grupo sa pagkakaroon ng patas at makatarungang pagtingin sa kontrobersiya. Iginiit rin nila na panagutin si Anthony sa ilalim ng Violence Against Women and Children Act dahil sa emotional at psychological na pinsalang idinulot niya sa dalawang kababaihan.
Habang posible rin daw humarap si Jam sa mga pananagutan kaugnay ng paglabag sa privacy ng aktres.
Nanawagan din ang KAISA KA para sa patas at makatarungang pagtingin sa kontrobersiya.
Hinikayat rin nila ang publiko na huwag umanong hayaan na magkaroon ng hidwaan sa pagitan ng mga babae na sangkot sa isyu ng pagtataksil, at panagutin ang mga lalaki sa kanilang mga pagkakamali. Habang tinuligsa nila ang misogyny na nagiging sanhi ng galit at labis na panghuhusga laban sa mga kababaihan habang naaabswelto sa pananagutan ang mga kalalakihan.
“This controversy should not be an opportunity to shame or destroy, but a moment to reflect on how we address violations of trust, privacy, and accountability. We stand with all women affected by deceit, betrayal, and societal judgment. Let us work together to dismantle the patriarchal norms that allow these cycles of harm to persist. End Patriarchy. Promote Justice. Protect Women’s Rights,” ayon sa KAISA KA.