Isyu ng reconsideration sa college admission, pinabulaanan ng PSU
Nilinaw ng Pampanga State University (PSU) na walang katotohanan ang kumakalat na impormasyon hinggil sa umano’y reconsideration o pag-endorso para sa mga estudyanteng hindi nakapasa sa kanilang college admission.
Ayon sa unibersidad, hindi bahagi ng kanilang official admission process ang pagpasok sa pamamagitan ng rekomendasyon o endorsement mula sa ibang indibidwal o grupo.

Binigyang-diin ng PSU na ang pagtanggap sa mga 1st year college student ay batay sa University Admission Test (UAT), qualifying examination, interview para sa board programs, at senior high school grades.
Paliwanag pa ng pamantasan, limitado lamang ang kanilang kapasidad kaya’t kailangang sundin ang itinakdang proseso sa pagtanggap ng mga estudyante. #
