Importasyon ng 4,000 MT ng sibuyas, aprubado na ng DA
Inaprubahan na ng Department of Agriculture (DA) nitong Huwebes, February 6, ang pag-import ng 4,000 metric tons ng pula at puting sibuyas upang mapanatiling stable ang presyo nito sa mga lokal na pamilihan.Ā
Sa isang pahayag, sinabi ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na layon din ng gagawing pag-import ng bansa na magkaroon ng sapat na supply nito sa merkado habang hinihintay pa ang ani ng mga lokal na magsasaka.
āThis importation of 3,000 metric tons of red onions and 1,000 metric tons of white onions is intended to ensure we have sufficient buffer stocks while we await the fresh harvest,ā ani Tiu.
Giit ng kalihim, hindi na ipagsasapalaran ng kanilang ahensya sa mga mapagsamantalang onion trader ang maaaring maging kakulangan sa supply ng sibuyas na nagnanais pataasin ang presyo nito.
āWe will not risk a potential shortage that unscrupulous traders could exploit to drive up prices, as we saw in the past. We do not want a repeat of the 2022 crisis,ā dagdag ni Tiu.
Matatandaang taong 2022 nang pumalo sa ā±700 ang kada kilo ng sibuyas sa merkado na pangunahing sangkap sa mga lutuing Pinoy. Bunsod ito ng pagkaantala sa import at kakulangan sa supply nito dahil naman sa hoarding.
Inaasahan na darating sa bansa ang mga nasabing sibuyas sa susunod na dalawang linggo.
Samantala, batay sa datos ng Bureau of Plant Industry (BPI), nasa 17,000 MTs ang monthly consumption ng bansa pagdating sa pulang sibuyas, habang 4,000 MTs naman sa puting sibuyas.
Nakatakda umanong umani ng ilang metriko toneladang sibuyas ang mga lokal na magsasaka ng bansa ngayong Pebrero, habang nasa 33,000 MTs naman sa Marso, batay sa projection ng BPI. #