fbpx
CLTV36 Pampanga News

Importansya ng rabies awareness at responsible pet ownership, isinusulong ng JBLMGH

Ang buwan ng Marso ay pinagdiriwang bilang Rabies Awareness Month. Ang tema ngayong 2023 ay “Rabies-free na pusa’t aso, kaligtasan ng pamilyang Pilipino” at “Responsableng Kawani, Responsableng Pet Owner”.

Ayon sa datos mula sa Department of Health, nakapagtala na ng 55 kaso ng rabies na nagresulta sa pagkamatay ng lahat ng pasyente, ngayong 2023. 11 sa mga kaso na ito ay galing sa Central Luzon.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng rabies sa Pilipinas at sa Central Luzon, ang pagdaraos ng mga lay forum sa iba’t ibang lugar ay pangunahing aktibidad ng JBLMGH Animal Bite Treatment Center.

Ang JBLMGH Animal Bite Treatment Center at Public Health Unit ay nagsagawa ng month-long celebration sa buong buwan ng Marso sa pamamagitan ng pagdaraos ng mga aktibidad gaya ng pagbibigay ng mga lay forum sa iba’t ibang lugar.

Ang unang aktibidad para sa Rabies Awareness Month ay isinagawa noong March 13, 2023 sa Mexico Community Hospital. Pinangunahan ni Dr. Juan Paulo Maturan, Head ng JBLMGH Animal Bite Treatment Center, ang lay forum kung saan tinalakay ang mga paksang tungkol sa rabies at sa mga responsibilidad ng isang pet owner. Umabot rin sa 104 participants and dumalo sa lay forum, kasama sa mga participants ang mga pasyente ng OPD, mga buntis, mga staff ng Mexico Community Hospital, at mga Barangay Health Workers.

Ang pangalawang aktibidad ay naganap noong March 20, 2023 sa Barangay Sindalan, City of San Fernando, Pampanga salamat sa pakikipag-ugnayan sa Barangay Captain na si Dr. Benjamin Angeles. Pinangunahan ni Dr. Faye Clarice M. Maturan ang pagbibigay kaalaman tungkol sa kahalagahan ng bakuna kontra rabies, mga paunang lunas kapag nakagat ng hayop na may rabies, at ang responsibilidad bilang isang pet-owner. Tinatayang nasa 91 na residente ng nasabing Barangay ang nakadalo. Samantalang nasa 131 na pusa at aso naman ang nabigyan ng bakuna at deworming sa tulong ng City Agriculture Veterinary Office sa pangunguna ni Dr. Ryan Paul Manlapaz. Nagsagawa din sya ng pagbibigay kaalaman ukol sa mga kailangan gawin sa hayop matapos nitong mangagat o mangalmot.

Ang sumunod na lay forum ay para sa ating mga kapatid na Aeta na naninirahan sa Sitio Pidpid, Porac, Pampanga, noong March 17, 2023. Naisagawa ito sa tulong ng Philippine Academy of Family Physicians Angeles City Chapter at sa Chieftain ng Sitio Pidpid na si Ms. Rica Torres. Kasamang muli si Dr. Juan Paulo Maturan, Dr. Faye Clarice Maturan, Medical Officer IV ng JBLMGH Public Health, at si Dr. Raquel Salonga, Head ng JBLMGH Public Health Unit. Matapos ang pagbibigay kaalaman tungkol sa rabies at ang mga responsibilidad ng isang pet owner, sumunod and pagbabakuna ng mga alagang aso at pusa na pinangunahan ng ating mga kapartner sa Department of Agriculture RFO III at Provincial Veterinary Office. Umabot din sa mahigit 30 ang bilang ng mga alagang hayop ang nabigyan ng libreng bakuna.

Isang lay forum din ang inilunsad sa mahigit 45 katao noong March 28, 2023 sa 5th Floor, New OPD Building si Ms. Fritz Sigrid Payawal, Health Education and Promotion Officer III ng JBLMGH Public Health Unit. Gaya ng mga naunang lay forum, tinalakay rin ang kahalagahan ng bakuna kontra rabies, mga unang gagawin kapag nakagat ng hayop na may rabies, at ang mga responsibilidad ng isang pet-owner.

Ang huling aktibidad na ginawa ng JBLMGH ABTC at Public Health Unit ay isang Virtual Lay Forum noong March 28, 2023 kung saan ang mga guro at ibang kawani ng Department of Education – Angeles City, Rafael Lazatin Memorial Medical Center at PAFP Angeles City ang mga participants. Umabot sa 78 ang attendees sa lay forum na ito. Ang aktibidad na ito ay napuno ng makabuluhang talakayan dahil sa partisipasyon ng bawat isa at sa suporta ng Schools Division, Department of Education Angeles City at sa Philippine Academy of Family Physicians Angeles City Chapter.

Maraming salamat sa mga naging katuwang ng JBLMGH Animal Bite Treatment Center at Public Health Unit upang maging posible ang mga aktibidad:

Mexico Health Community
Dr. Judith Borromeo, MCH – Public Health Unit – Chairman
Ms. Merly Manalo, MCH – Administrative Officer V
Ms. Carmelita Dela Cruz – MCH – Chief Nurse
Mr. Billy Ray Malonzo

Philippine Academy of Family Physicians – Angeles City Chapter
Dr. Aristotle Nalo – President – PAFP Angeles Chapter

Ms. Rica Torres- Sitio Pidpid Chieftain

Department of Agriculture Regional Field Office III
Dr. Milagros Manangit
Dr. Xandre Baccay

Provincial Veterinary Office Pampanga
Ms. Cielito D. Galang
Mr. Rhizel Allen Santos
Mr. Angelo Miguel Bundalian

City Agriculture and Veterinary Office
Dr. Cristina Sangumay – City Agriculturist
Dr. Ryan Paul Manlapaz – City Veterinarian IV

Barangay Sindalan, City of San Fernando, Pampanga
Dr. Benjamin F. Angeles – Barangay Captain
Sindalan Barangay Hall Staff

Schools Division, Department of Education – Angeles City
Dr. Donna Mae Batul – Medical Officer III

Want to get featured here on CLTV? Click here.
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

How would you rate your satisfaction with our website?*

Do you have any comments, questions, and concerns?