High-value target at 5 shabu dealers, naaresto sa Central Luzon drug bust ops
By Ches Evangelista, CLTV36 News
Nadakip ng Pampanga Police Provincial Office (PPO) ang 39-anyos na high-value drug personality na kinilala bilang alyas “Rambo”.

Inaresto siya ng mga otoridad sa Brgy. Manibaug Pasig, Porac dakong 5:30 PM nitong Martes, September 9.
Nakumpiska mula sa suspek ang 75 grams ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱510,000 sa isang buy-bust operation ng Porac Station Drug Enforcement Unit (SDEU).
Nasa kustodiya na ng Porac MPS ang suspek at nahaharap siya ngayon sa mga kaso batay sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, arestado rin ang limang drug dealers sa lalawigan ng Nueva Ecija sa buy-bust operations ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) nitong Miyerkules, September 10.



Batay sa ulat, nagsagawa ng magkakahiwalay na operasyon ang mga pulis ng Laur, Rizal, Sto. Domingo, at Science City of Muñoz.


Nakumpiska mula sa mga suspek ang higit kumulang 2.55 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱17,340.
Kinasuhan na rin umano ang mga suspek ng paglabag sa RA 9165. #
