Gov. Pineda, nagsalita tungkol sa ‘indefinite ban’ na ipinataw ng PBA kay Larry Muyang
By Rhandol Nixon Lapuz, CLTV36 News intern
Naglabas na ng pahayag si Pampanga Giant Lanterns head coach Gov. Delta Pineda ukol sa ipinataw na ‘indefinite ban’ ng Philippine Basketball Association (PBA) kay star player Larry Muyang.

Sa interview ni Pineda sa SPIN.ph, nag-appeal na si Muyang sa PBA at kanyang team na Phoenix Fuel Masters matapos ang isang meeting kasama si PBA Commissioner Willie Marcial.
Matatandaang sinuspinde ng Fuel Masters si Muyang at pinatawan siya ng ‘indefinite ban’ ng PBA dahil sa paglalaro sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) kasama ng Giant Lanterns habang may kontrata pa sa Fuel Masters.

Paliwanag ni Pineda, pinansyal ang naging dahilan kung bakit naglaro si Muyang sa isang ligang hindi konektado sa PBA. Matapos masuspinde, naglaro ang star player sa Giant Lanterns kahit may kontrata pa siya sa Fuel Masters dahil umano sa ‘miscommunication’ tungkol sa kondisyon ng kanyang suspension.
“It’s been a personal matter na talagang nagipit ‘yung bata talaga. Lito na siguro dahil sa sitwasyon niya dahil nawala ‘yung magulang niya,” dagdag ni Pineda. #