Go, Tulfo, nanguna sa bagong senatorial survey ng SWS
Nanguna sina Senator Bong Go at ACT-CIS Representative Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey ng Social Weather Stations (SWS).
Nakakuha ang dalawa ng parehong 42% voting preference mula sa 1,800 registered voters na sumagot sa naturang survey na isinagawa mula March 15-20, 2025.


Sinundan sila ng iba pang senatorial candidates at re-electionists tulad nina Ben Bitag Tulfo at Tito Soto (34%), Lito Lapid (33%), Bong Revilla Jr. (32%), Pia Cayetano (31%), Ping Lacson (31%), Bato dela Rosa (30%), Willie Revillame (28%), Abby Binay (27%), Manny Pacquiao (27%), at Camille Villar (27%).
Samantala, hindi nakapasok sa Magic 12 ng SWS ang kapatid ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na si re-electionist Senator Imee Marcos na pormal nang kumalas sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas ni PBBM nitong Miyerkules, March 26.
Ginamit sa survey ang listahan ng 66 na pangalan ng mga kandidato batay sa revised ballot face template mula sa Commission on Elections (Comelec). Isinagawa ito sa pamamagitan ng face-to-face interview sa mga botante sa iba’t ibang bahagi ng bansa: 300 sa Metro Manila; 900 sa Balance Luzon (mga bahagi ng Luzon sa labas ng Metro Manila); 300 sa Visayas; at 300 sa Mindanao.
Muling namang ipinapaalala ng SWS na ang kanilang face-to-face interviews ay ang standard na paraan ng kanilang survey, maliban noong kasagsagan ng pandemya kung saan pansamantalang ginamit ang mobile phone interviews. #