Gilas Pilipinas, bigo kontra Chinese Taipei
Tinanggap ng Gilas Pilipinas ang unang pagkatalo sa 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers.
Ito ay matapos na hindi makalusot ang kanilang comeback attempt kontra Chinese Taipei sa iskor na 91-84.

Ginanap ang unang laro ng Gilas nitong Huwebes, February 20 sa Taipei Heping Basketball Gymnasium.
Ito ang unang pagkatalo ng national team sa Chinese Taipei sa men’s basketball sa loob ng 12 taon o mula noong 2013.
Nakatakdang magtungo ang Gilas Pilipinas sa Auckland sa February 23 para sa isa pang laban kontra sa pambansang koponan ng New Zealand.