From CSFP to LA: Giant Fernandino lantern, magniningning sa California

Scene stealer ngayon ang 18-foot Kapampangan-made giant lantern mula City of San Fernando sa harap ng Island Pacific Supermarket sa Santa Monica, Los Angeles, California.
Ang naturang parol, na gawa ng kabalen na si Arvin Quiwa at kanyang team, ay itinuturing bilang biggest Fernandino lantern na unang naihatid at maipapakita sa labas ng Pilipinas.

Nakatakdang pailawan ang giant lantern kasabay ng grand unveiling nito sa Sabado, November 22, 6 PM (PST), bilang bahagi ng Paskong Pinoy BER-Kada Fiesta.


Inaasahang pangungunahan ni CSFP Mayor Vilma Caluag at iba pang opisyal ang seremonya, kasama ang Filipino community leaders sa LA. #
