Flood control anomaly, mukha ng pandarambong: Couples for Christ
Mariing kinundena ng Couples for Christ (CFC), isa sa pinakamalaking Catholic organizations sa bansa, ang umano’y talamak na katiwalian at anomalya sa flood control projects at iba pang proyektong pinopondohan ng kaban ng bayan.
Giit nila, nagiging mukha na ito ng pandarambong at pagnanakaw na patuloy na sumisira sa tiwala ng taumbayan.
Sa kanilang pahayag, binigyang-diin ng CFC na nasasayang lamang ang pawis at sakripisyo ng mga nagbabayad ng buwis habang patuloy umano ang paglustay ng mga nasa kapangyarihan.
Kasabay nito, nanawagan ang Couples for Christ ng pagkilos at pagbabago tungo sa mas maka-Diyos, makatao, at makatarungang pamamahala. Hinikayat din nila ang sambayanan na makiisa sa laban kontra katiwalian upang maisulong ang tunay na kabutihan para sa lahat.
Basahin ang kabuuan ng kanilang pahayag:


(END)
