First-class relic ni St. Francis of Assisi, dadalhin sa iba’t ibang parokya sa bansa
By Alex Laviña, CLTV36 News intern
Dadalhin sa iba’t ibang parokya sa bansa ang first-class relic ni Saint Francis of Assisi na naglalaman ng abo ng kanyang katawan, bilang bahagi ng ika-800 anibersaryo ng kanyang pagpanaw.
Pormal na sinimulan ang “Lakbay ni Francisco” nitong Sabado, February 21, sa St. Francis of Assisi Parish, Mandaluyong City. Pinangunahan ito ng Blessed Ivan Merz Family katuwang ang Secular Franciscan Order upang palalimin ang debosyon ng mga mananampalataya.
Ayon sa mga opisyal ng simbahan, layunin ng paglalakbay na parangalan ang pamana ng buhay at misyon ni San Francisco at magbigay-inspirasyon sa mga deboto.
Maaaring magpa-schedule ang mga parokya, religious groups, private or government institution na nais tumanggap ng relic sa pamamagitan ng Facebook page na “The Tour of Sacred Relics” o makipag-ugnayan kay Dr. Dave Dela Cruz (0927-954-3118). #
