Financial assistance at land titles, ipinamahagi sa mga farm worker

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pamamahagi ng financial assistance at land titles sa mga farm worker sa Bren Z. Guiao Convention Center, City of San Fernando, Pampanga ngayong Biyernes, September 19.
Bahagi ito ng programa ng administrasyon na “Handog ng Pangulo” na layong magbigay ng tuloy-tuloy na suporta sa mga magsasaka.
Umabot sa halos 3,000 beneficiaries mula Pampanga ang nakatanggap ng ₱10,000 at family food packs mula naman sa Pamahalaang Panlalawigan.
Samantala, mahigit sa 500 naman ang nakatanggap ng land patents at deeds of sale, habang namahagi rin ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng libo-libong binhi.
Sa kanyang talumpati, hinimok ng Pangulo ang mga magsasaka na pagyamanin ang kanilang lupain at gamitin ito nang tama para sa kapakanan ng kani-kanilang pamilya at komunidad.
Tiniyak din niyang patuloy na maghahanap ng paraan ang kanyang administrasyon upang mapabilis ang mga proseso at suportahan ang agriculture sector. #
