Filipina tennis star Alex Eala, pinatumba ang world no. 5 sa Miami Open
Patuloy sa pagpapamalas ng husay ang Filipina tennis player na si Alex Eala matapos niyang pabagsakin ang dating World No. 5 na si Madison Keys ng Amerika.
Sa Round of 64 ng prestihiyosong 1000 Miami Open ng Women’s Tennis Association (WTA) nitong Lunes ng umaga, nanaig si Eala laban kay Keys sa score na 6-4, 6-2.

Hindi nagpatinag ang 19-anyos na Pinay tennis star, na matapos gulantangin ang World No. 25 na si Jelena Ostapenko ng Latvia, ay muli na naman siyang umukit ng makasaysayang panalo.
Gamit ang kanyang mapanlinlang na drop shots, matatalas na tira, at matibay na depensa, nagawang pataubin ni Eala ang Amerikanong manlalaro dahilan upang muli niyang mailista ang isa sa pinakamalaking panalo sa kanyang karera.
Sa ngayon, nananatiling nasa Rank 140 ng WTA si Alex as of March 17, 2025 na may 524 points.
Matapos ang panalong ito, susunod niyang sasagupain sa Round of 16 ang dating World No. 2 na si Paula Badosa ng Spain sa March 25. Abangan kung paano muling ipapamalas ni Eala ang kanyang bangis sa loob ng court. #