Faculty researchers ng BulSU, IPOPHL certified na; MOA signing kasama ang DHVSU, isinagawa
Ilang faculty researchers ng Bulacan State University (BulSU) ang nakakuha ng certificates of registration mula sa Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) para sa kanilang innovative works sa 4th quarter ng 2024.
Ito ay matapos na aprubahan ang kanilang mga inobasyon sa iba’t ibang larangan gaya ng industrial designs, invention patents, at utility models.
Kabilang sa mga ito ang energy storage units, gluten-free snacks, automated beverage dispensers, at decomposable rubber na gawa sa fish collagen.
Ang IPOPHL ay isang ahensya na binuo sa ilalim ng Republic Act 8293 ng Intellectual Property Code of the Philippines na namamahala sa intellectual property right sa loob ng bansa.

Samantala, isang memorandum of agreement (MOA) naman ang nilagdaan sa pagitan ng BulSU College of Sports, Exercise, and Recreation (CSER) at Don Honorio Ventura State University College of Education (DHVSU-CEd) noong February 5, 2025, sa BulSU E-Library.
Dumalo sa naturang signing sina BulSU President Teody San Andres, DHVSU Mexico Campus Director Vicky Vital, at iba pang mga opisyal ng mga nabanggit na unibersidad.
Layon ng MOA signing na magkaroon ng collaboration o magtulungan ang dalawang college institutions sa pagpapalakas at pagsulong sa physical education at sports science gamit ang iba’t ibang research-driven practices at holistic development para sa mga guro at mag-aaral. #