Estudyante, arestado dahil sa bomb threat sa F.G. Nepomuceno Memorial High School

Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) Region 3 ang isang 21-anyos na senior high school student na itinuturong nasa likod ng bomb threat sa F.G. Nepomuceno Memorial High School sa Angeles City.
Kinilala ang suspek na si Sheila Gonzales, na gumamit umano ng pekeng Facebook account na “Miles Manunulat” para magpadala ng banta ng pambobomba sa naturang paaralan.
Matatandaang una nang humingi ng tulong sa NBI si Pampanga 1st District Representative Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr. upang matukoy ang mga nasa likod ng serye ng bomb threats sa mga paaralan sa distrito.
Binalaan ni Lazatin ang iba pang gumagawa ng kaparehong pananakot na itigil ang kanilang gawain dahil tiyak daw silang aarestuhin sila kapag natukoy ng mga otoridad.
Nitong Lunes, October 13, isang menor de edad naman ang hinuli ng Angeles City Police dahil sa kanyang bomb threat comment sa social media.
Batay sa Presidential Decree No. 1727, maaaring makulong ang sinumang magpakalat ng maling impormasyon o banta ng pambobomba nang hanggang limang taon at pagmultahin ng aabot sa ₱40,000. #
