Emergency Care Benefit, maaaring magamit sa lahat ng PhilHealth-accredited na ospital
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient Emergency Care Benefit (OECB) Package sa lahat ng Levels 1 to 3 na PhilHealth-accredited hospital mula pa noong February 14, 2025.
Inuulit din ang paglilinaw sa PhilHealth Advisory No. 2025-0009, na nilagdaan noon ding February 14, 2025, na hindi kinakailangan ng hiwalay pang accreditation para maihatid ang OECB Package dahil ang kakayahan ng mga Health Facilities para sa benepisyong ito ay kasama nang nasuri noong sila ay nabigyan ng PhilHealth accreditation.
Maaaring dumulog ang mga miyembrong hindi nakatanggap ng OECB sa PhilHealth 24/7 touch points: (02) 866-225-88; mobile numbers 0998-857-2957, 0968-865-4670, 0917-1275987 or 0917-1109812. ##
#SamasamangPagangatParaSaBagongPilipinas
Reference: Dr. Israel Francis A. Pargas
0917-8089399