Disease outbreak sa Myanmar, nagbabadya: WHO
By Karylle Garcia, CLTV36 News intern
Nagbabanta ang paglaganap ng malaria, dengue fever, at hepatitis sa Myanmar, ayon sa World Health Organization, dahil sa kritikal na kakulangan ng malinis na tubig matapos ang naganap na lindol sa bansa.
Ayon kay Dr. Thushara Fernando, WHO representative sa Myanmar, kasalukuyang puno ang mga ospital, at nagkukulang ang mga pangangailangang pang-medikal.
Dahil sa krisis, nalalagay sa mas higit na panganib ang mga pasyenteng nangangailangan ng espesyal na atensyon gaya ng mga buntis, bata, at mga may malubhang sakit.
Sa kabila nito, ibinahagi ni Fernando na nagpadala na ang WHO ng tatlong toneladang medical supplies sa mga ospital sa Myanmar upang umalalay sa kanilang pangangailangan. #