Dengue at leptospirosis ngayong tag-ulan, saklaw ng mas malaking PhilHealth package

Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na may sapat na benepisyong nakalaan para sa mga nagkakasakit ng dengue at leptospirosis tuwing tag-ulan.
Ayon sa ahensya, nasa ₱19,500 ang coverage para sa moderate dengue, habang ₱47,000 naman para sa severe cases. Samantala, tinaasan din ang benepisyo para sa leptospirosis na ngayon ay ₱21,450 (moderate to severe).
Bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na palawakin ang benepisyo ng universal healthcare.
Hinikayat din ng PhilHealth ang publiko na agad magtungo sa mga accredited hospital kung makararanas ng sintomas ng naturang mga sakit upang agad na malapatan ng lunas.
Pinaalalahanan naman ng ahensya ang publiko na umiwas sa baha, uminom ng malinis na tubig, panatilihing malinis ang kapaligiran, at gumamit ng kulambo o insect repellent upang makaiwas sa sakit.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang philhealth.gov.ph o tawagan ang kanilang 24/7 hotline (02) 8662-2588. #
