fbpx
Pampanga News Features

Countdown to Miss Magalang 2024 Coronation Night: A Highlight of Piyestang Camaru 2024

Ipinakilala na sa publiko ang mga kandidata na magtatagisan ng galing at talino upang mahirang na Miss Magalang 2024.

Isinagawa ngayong araw ang “sashing” sa mga kasali sa kumpetisyon na isinagawa sa Sun Coast Specialty Coffee and Bar, Barangay Sto. Rosario, Magalang.

Pinangunahan ni Mayor Malou Paras – Lacson ang aktibidad, kasama ni Magalang Tourism Officer Ryan Miranda at Raissa Bayani, Chairperson ng Miss Magalang 2024.

Sumabak din ang mga kandidata sa maikling Q & A bukod pa sa bootcamp mula sa pamosong Aces and Queens na pinagmulan ng maraming national at international beauty pageants sa nagdaang mga taon.

Gaganapin ang Miss Magalang Coronation Night sa August 19, 2024 sa Pampanga State Agricultural University Multi Purpose Hall. Bahagi ito ng selebrasyon sa nalalapit na Piyestang Camaru 2024 mula August 15 – 24, 2024.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

How would you rate your satisfaction with our website?*

Do you have any comments, questions, and concerns?