Comelec, iginiit na hindi gobyerno ang nagha-hire ng poll watchers
Mariing pinabulaanan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kumakalat na maling balita sa social media tungkol sa umano’y pagtanggap ng gobyerno ng mga poll watchers at machine operators para sa nalalapit na 2025 National and Local Elections sa Lunes, May 12.
Ayon sa Comelec, walang katotohanan ang naturang impormasyon. Nilinaw nila na hindi ang pamahalaan ang nagha-hire ng mga poll watcher, kundi ang mga kandidato, iba’t ibang political parties, o mga accredited citizens’ arms.

Batay sa Article 3 ng Comelec Resolution No. 11076, ang mga poll watcher ay hindi itinuturing na empleyado ng gobyerno at hindi rin sila binabayaran mula sa pondo ng estado, maliban na lang kung may malinaw na batayan sa batas o regulasyon.
Pinaalalahanan din ng Comelec ang publiko na huwag basta-basta maniwala sa mga hindi beripikadong post online.
Iginiit din ng Komisyon na ang pagpapakalat ng maling impormasyon, lalo na kung election-related, ay maituturing na isang election offense sa ilalim ng Omnibus Election Code. #
