City of San Fernando, kinilala ng Los Angeles Gov’t sa natatanging ambag sa kulturang Pinoy
Kinilala ng City Council of Los Angeles, California ang Syudad San Fernando, Pampanga at si Mayor Vilma Caluag sa kanilang natatanging ambag sa kulturang Pinoy.

Ito ay kasunod ng matagumpay na pagpapailaw ng 20-foot-tall giant lantern sa Island Pacific Supermarket noong November 2025.
Ayon sa konseho, naghatid ang event ng “profound cultural contribution” sa Filipino-American community sa pamamagitan ng mga parol mula sa San Fernando.
Kasama rin sa mga kinilala ang Island Pacific na pinuri naman sa kanilang suporta sa kultura at komunidad sa pamamagitan ng “Paskong Pinoy: BER-Kada Fiesta Series.”
Ito ang ikalawang taon na nagdala ang San Fernando ng giant lantern sa Los Angeles, na dinayo at sinaksihan ng daan-daang Pilipino at Amerikano.
Ang paglulunsad ay bahagi rin ng official visit ng Sangguniang Panlungsod sa Estados Unidos na nakatuon sa industriya ng parol, sining, at cultural diplomacy. #
