CIDG Chief Torre at 38 iba pang PNP officers, tumaas ang ranggo
By Rhandol Nixon Lapuz, CLTV36 News intern
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang opisyal na oath-taking ceremony ng newly-promoted star-ranked officers ng Philippine National Police (PNP) sa Malacañang Palace nitong Lunes, April 7.

Kabilang sa 39 PNP officials na na-promote ay si Maj. Gen. Nicolas Torre III na isa sa mga nanguna sa pag-aresto kay ex-Pres. Rodrigo Duterte sa bisa ng International Criminal Court (ICC) warrant kaugnay ng kanyang kampanya kontra ilegal na droga.


Kasama rin sa oath-taking sina Western Mindanao Area Commander Lieutenant General Bernard Banac at PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo.


Apat ang na-promote bilang Police Lieutenant Generals habang 11 naman ang Police Major Generals, at 24 ang Police Brigadier Generals.

Pinayuhan ni Pangulong Marcos, Jr. ang mga bagong promote na opisyal na palaging itatak sa puso ang kanilang sinumpaang tungkulin sa bayan.
“Balance the demands of law enforcement while preserving institutional integrity, adhere to human rights, and have effective leadership to address multifaceted issues that surround our country today,’” dagdag pa niya. #