Batang Mika Salamanca, aliw sa social media
Fresh pa mula sa kanyang pagkapanalo bilang Big Winner sa “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition”, muling pinatunayan ng ating “Controversial Ca-Babe-len ng Pampanga” na si Mika Salamanca na siya ang tunay na reyna.

This time, hindi na sa loob ng Bahay ni Kuya, kundi sa social media.
Ang kinahuhumalingan ngayon ng netizens…
Mga lumang video ni Mika na muling sumisikat at trending sa FYP ng lahat.
Isa sa mga pinaka-viral ay ang iconic niyang performance ng “Sino Nga Ba Siya” ni Sarah Geronimo—kung saan makikita ang batang si Mika na naka-PE uniform at todo birit
Kasunod niyan, trending din ang kanyang bersyon ng “Hindi Ko Kayang Iwan Ka” ni Sheryn Regis. Todo emote ang young Mika Salamanca sa kanyang DIY music video with matching dahon at wind effects pa.
At siyempre, hindi mawawala ang Aegis hits na ibinirit din niya sa kamera.
Fast forward to present day, hindi nagpahuli si Mika sa sariling kasikatan. Mismo siya kasi ang nag-recreate ng viral videos niya, and this time may dagdag na kilig, charm, at natural na kakulitan.
Umani agad ito ng libo-libong views, shares, at reactions mula sa fans at content creators na sumabay rin sa trend.
Samantala, ibinahagi naman ng co-manager ni Mika na si Jan Enriquez ang isang heartwarming story sa likod ng kanyang mga trending video.

Ayon kay Jan, ang mga viral na video ay orihinal na kinunan at ipinadadala noon sa kanyang Nanay Bambie na nagtatrabaho sa ibang bansa habang nasa Pilipinas si Mika at ang kanyang pamilya.
Ginagawa raw nila ito upang maibsan ang pangungulila ng kanilang ina, kaya’t madalas silang magpadala ng mga video ni Mika na sumasayaw, kumakanta, at nagpapatawa.
Sa ngayon, patuloy na dumarami ang nakikisabay at gumagawa ng kani-kanilang bersyon ng Mika classics. At ang dating simpleng pampasaya para kay Nanay Bambie, ngayon, isa nang national trend at paandar sa internet. #
