CHED, pinag-iingat ang publiko sa mga pekeng scholarship
Nagpaalala ang Commission on Higher Education (CHED) sa publiko na maging mas mapanuri kaugnay ng fake scholarships mula sa pekeng Facebook accounts na nagpapanggap bilang opisyal na page ng Komisyon at Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST).

Ayon sa CHED, ginagamit umano ng mga pekeng account ang kanilang pangalan at logo upang magpakalat ng maling impormasyon tungkol sa scholarship at financial assistance programs. Nagpo-post din daw ang mga ito ng hindi opisyal na application at registration links na maaaring makapanloko sa mga estudyante.
Hinimok naman ng Komisyon ang publiko na kumuha lamang ng tamang impormasyon sa lehitimo at official accounts ng CHED at UniFAST.
CHED
- Facebook: PhCHED.gov
- X (Twitter): @PhCHED
- Website: https://ched.gov.ph
UniFAST
- Facebook: @unifastofficial
- X (Twitter): @unifastgovph
- Website: https://unifast.gov.ph
Hinihikayat din nila ang lahat na i-report agad sa CHED Regional Offices o UniFAST Secretariat ang anumang kahina-hinalang aktibidad. #