Central Luzon, pinagtibay ang kahandaan laban sa sakuna

Idinaos ng Office of Civil Defense (OCD) Region 3 ang Regional Disaster Resilience Forum sa City of San Fernando, Pampanga nitong Miyerkules, August 20, bilang huling aktibidad ng Central Luzon para sa National Disaster Resilience Month.
Ayon kay OCD 3 Regional Director Amador Corpus, isang mahalagang pagtitipon ang forum upang palakasin ang kapasidad ng mga lokal na pamahalaan at komunidad sa pagtugon sa iba’t ibang kalamidad.

Binanggit niyang sa pamamagitan ng maagang pagpaplano at sama-samang pagkilos, mas magiging handa ang rehiyon sa mga hamon ng sakuna.
Tinalakay naman ng mga eksperto ang ilang mga paksa hinggil sa Magna Carta para sa DRRM Workers, proper risk communication, at pamamahala ng pondo para sa disaster risk reduction and management.
Dumalo sa aktibidad ang DRRM officers mula sa iba’t ibang lalawigan, lungsod, at piling bayan ng Central Luzon upang palalimin ang kanilang ugnayan at pagtutulungan. #
