CDC, wagi sa Tourism Promotion Excellence Award ng MPOC

Nakamit ng Clark Development Corporation (CDC) ang Tourism Promotion Excellence Award mula sa Manila Overseas Press Club (MPOC) bilang pagkilala sa kanilang organisadong pagsusulong ng turismo sa bansa.
Personal na tinanggap ni CDC President and CEO Atty. Agnes VST Devanadera ang parangal sa ginanap na MPOC Grand Tourism Night sa Makati City noong August 15.
Dinaluhan ito ng mga pangunahing personalidad sa pamahalaan at pribadong sektor, kabilang sina First Lady Louise Araneta-Marcos at Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco.
Ayon sa MPOC, naging sentro ng turismo ang Clark sa pag-aalok nito ng world-class facility, eco-friendly environment, at iba’t ibang aktibidad na akma sa pangangailangan ng mga local at foreign visitors.
Patuloy namang isinusulong ng CDC ang Clark Freeport Zone bilang isang strategic gateway sa Northern Luzon para sa turismo, investment, at regional development. #
