fbpx
CLTV36 NEWS Nueva Ecija News

Bagong onion cold storage facility itatayo sa Laur, Nueva Ecija

Isang onion cold storage facility ang itatayo sa Nueva Ecija na maaaring gamitin ng mga magsasaka sa pagpapahaba ng shelf life ng kanilang mga ani.

COURTESY: DA CENTRAL LUZON

Sa pangunguna ng mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at lokal na pamahalaan, isinagawa ang groundbreaking para sa konstruksyon ng pasilidad sa Barangay San Vicente, Laur nitong Huwebes, March 16.

COURTESY: DA CENTRAL LUZON

Ang proyekto na nasa ilalim ng High-value Crop Development Program ng DA ay kayang maglaman ng aabot sa 20,000 bags ng sibuyas.

Kabilang sa mga makikinabang sa proyekto ay ang mga miyembro ng San Vicente Alintutuan Irrigators Association.

Ito na ang ikalawang onion cold storage facility na pinasinayaan sa Nueva Ecija nitong nakaraang linggo. Ang una ay matatagpuan sa Cuyapo at gagamitin ng mga miyembro ng Calancuasan Sur Farmers Association.

Siniguro naman ni DA Region 3 Regional Executive Director Crispulo Bautista Jr. na patuloy sila sa pagtatayo ng onion cold storage facilities upang tugunan ang hinaing ng mga magsasaka ukol sa post-harvest losses.

COURTESY: DA CENTRAL LUZON
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

How would you rate your satisfaction with our website?*

Do you have any comments, questions, and concerns?