Bagong MacBook Air M4 na sky blue ang kulay, inilabas na ng Apple
By David Peña, CLTV36 News Intern

Inilabas na ng Apple ang kanilang latest model na Macbook Air — mayroong M4 chip, Apple Intelligence, at panibagong kulay na Sky Blue.
Batay pa sa website ng Apple, umaabot nang hanggang 18 hours ang battery life ng bagong laptop, may 12MP Center Stage camera, at pinapagana ng latest software na MacOS Sequoia.
May Apple Intelligence din umano ang MacBook Air kung saan makikita ang features tulad ng Image Playground, Genmoji, at Writing Tools. Mas matalino na rin daw si Siri sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa Mac.
Naka-integrate rin ang ChatGPT sa Writing Tools at Siri; libre itong gamitin nang walang account at may proteksyon sa privacy. Kontrolado din umano ng user kung kailan at anong impormasyon ang ibabahagi.
In-upgrade na rin ng Apple ang dating 1080p FaceTime camera ng 12MP Center Stage camera na kusang inaayos ang framing sa video calls.
Available ang laptop na ito sa dalawang size: 13-inch at 15-inch, at sa apat na kulay: Sky Blue, Midnight, Starlight, at Silver na nagsisimula ang presyo sa halagang $999 at $1,199 — $100, mas mababa kaysa sa panimulang presyo ng nakaraang bersyon.
Maaari nang mag pre-order at opisyal na magiging available ito simula March 12, 2025. Ngunit wala pang tiyak na petsa ang pagdating nito sa Pilipinas.