Bagong liderato ng Santa Rita, Pampanga, nangakong maglilingkod para sa kapakanan ng Riteñians
By Hannah Pineda, CLTV36 News Citizen Journalist

Opisyal nang naupo bilang bagong alkalde ng Santa Rita, Pampanga si Mayor Reynan Calo sa ginanap na turnover ceremony noong June 30, 2025.
Kabilang din sa bagong liderato ang pagbabalik ni dating Mayor Ferdinand “Dagi” Salalila bilang Vice Mayor ng ika-11 Sangguniang Bayan.


Sa kanyang talumpati, nanawagan si Mayor Calo ng pagkakaisa at hinimok ang mga kawani ng pamahalaan na magtrabaho nang may “totoo, tapat, at malinis na serbisyo.”
Ipinahayag din niya ang mga pangunahing proyekto na tutukan ng kanyang administrasyon, kabilang ang financial assistance para sa mga estudyante, suporta sa mga may karamdaman, youth development, at libreng agricultural necessity para sa mga magsasaka.
Ipinakita naman ni Vice Mayor Salalila ang kanyang kahandaang makipagtulungan sa bagong administrasyon upang maipagpatuloy ang mga nasimulang inisyatibo para sa kapakanan ng Riteñians.
Dinaluhan ang seremonya ng mga lokal na opisyal, kawani ng munisipyo, at mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor ng Santa Rita. #
