AUF, rank 38 sa pinakamahuhusay na unibersidad sa Pilipinas
By Nicodemy Yumul, CLTV36 News intern
Pinatunayan ng Angeles University Foundation (AUF) ang kahusayan nito sa larangan ng edukasyon matapos makuha ang ika-38 puwesto sa Top 100 Universities in the Philippines. Batay ito sa pinakabagong datos ng EduRank, isang global ranking platform na sumusuri sa academic performance, reputation, at alumni prominence ng mga unibersidad.
Ayon sa EduRank, tinukoy ang ranggo ng mga pamantasan batay sa 850,000 citations mula sa 80,000 academic publications ng 229 universities sa bansa.
Bukod dito, nangunguna rin ang AUF sa iba’t ibang larangang akademiko sa buong Pilipinas: ikapito sa Medicine, ikawalo sa Psychology, at ika-13 sa Biology.
Samantala, kabilang din sa Top 100 ang Holy Angel University (HAU) na nasa 88th place. Kasama rin sa listahan ng EduRank ang iba pang eskwelahan sa Pampanga gaya ng University of the Assumption (151st), Don Honorio Ventura State University (183rd), Republic Central Colleges (225th), at Guagua National Colleges (228th). #