Angeles City, wagi ng Presidential Award for Child-Friendly City
Pinarangalan ang Angeles City bilang National Finalist at Regional Winner sa 2025 Presidential Award for Child-Friendly Municipalities and Cities (PACFMC).

Para ito sa patuloy na pagsusulong ng lungsod ng mga programang para sa kapakanan ng kabataan.
Kaugnay nito, personal na ipinresenta ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) kay Mayor Carmelo “Jon” Lazatin II ang mga plake ng pagkilala na iginawad ng Council for the Welfare of Children at Department of Social Welfare and Development.
Ginawaran ang Syudad sa seremonyang ginanap sa Philippine International Convention Center sa Pasay City noong December 22, 2025.
Ayon kay Mayor Lazatin, bunga ang parangal ng sama-samang pagsisikap ng CSWDO, mga tanggapan ng lungsod, barangay, at iba pang katuwang sa pagpapatupad ng mga programang nagtataguyod sa karapatan at kaunlaran ng mga batang Angeleño. #
