Alyansa para sa Bagong Pilipinas, magdadaos ng mga rally sa Pampanga
By Rhandol Nixon Lapuz, CLTV36 News intern

Apat na campaign rally ang ilulunsad ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan ng Pampanga sa Miyerkules, April 23.
Ayon sa campaign manager ng alyansa na si Navotas Rep. Toby Tiangco, malaki ang papel ng lalawigan bilang isang ‘political battleground’ na may 1.67 milyong rehistradong botante.
Binubuo nina Benhur Abalos, Abby Binay, Bong Revilla, Pia Cayetano, Ping Lacson, Lito Lapid, Manny Pacquiao, Tito Sotto, Francis Tolentino, Erwin Tulfo, at Camille Villar ang 11-member na senate ticket ng Alyansa.
Isang rally ang gaganapin sa Lapid Arena sa Angeles City na pangungunahan nina 1st District Rep. Carmelo ‘Jon’ Lazatin II at Mayor Carmelo ‘Pogi’ Lazatin Jr.
Magkakaroon din ng pagtitipon sa Laus Group Event Center sa City of San Fernando na dadaluhan nina 2nd District Rep. Gloria Macapagal Arroyo at Lubao Mayor Esmeralda ‘Esmie’ Pineda.
Si 4th District Rep. Anna York Bondoc-Sagum naman ang mangunguna sa isang rally na gaganapin sa Kingsborough International Convention Center.
Bilang pagtatapos sa serye ng campaign rally, magkakaroon ng huling pagtitipon ang Alyansa sa Bren Z. Guiao Convention Center kasama ang ilang opisyal ng lalawigan. #