AFP, Comelec, PNP, sanib-pwersa para sa ligtas na eleksyon sa May 12
Mas pinalakas ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Commission on Elections (Comelec), at Philippine National Police (PNP) ang kanilang pagtutulungan para matiyak ang ligtas at mapayapang 2025 National and Local Elections sa May 12.
Pinagtibay ito sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement (MOA) na nilagdaan sa Chairman’s Hall, Palacio del Gobernador, Intramuros, Manila nitong Biyernes, April 4.

Kabilang sa mga lumagda sina Comelec Chairperson George Erwin Garcia; LtGen. Jimmy Larida, Vice Chief of Staff ng AFP, na kumatawan kay AFP Chief of Staff, Gen. Romeo Brawner Jr.; at Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rommel Marbil.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni LtGen. Larida ang pangako ng AFP na tuparin ang kanilang mandato nang may dedikasyon at walang pag-aalinlangan sa pagsunod sa Konstitusyon bilang suporta sa integridad ng proseso ng halalan.

Aniya, gaya ng itinakda sa pinirmahan nilang kasunduan, nakatuon ang AFP sa pagtiyak na magiging ligtas ang national at local elections para sa lahat ng mga botante at kawani na mamamahala rito. #