Affordable at high-tech na iPhone 16e, inilabas na ng Apple
By David Peña, CLTV36 News intern
Inilabas na ng Apple ang kanilang pinakamurang modelo na mayroong AI features at bagong chipset — ang iPhone 16e.

Halos anim na buwan matapos ilunsad ang iPhone 16, inilabas na ang nasabing smartphone na may kaparehong A18 chip at ang bagong Apple C1, ang kauna-unahang cellular modem na dinisenyo ng Apple.
Ito ang unang pagkakataon na inalis ng Apple ang SE branding. Kilala ang SE, o Special Edition, bilang linya ng mga mas murang model pero gamit ang pinakabagong chipset.
Ang mga nakaraang SE model ay mayroong mas maliit na screen size. Ngunit ang bagong bersyon, ang iPhone 16e, ay may 6.1 inch display na katulad ng sa iPhone 16. Magkakaroon na rin ito ng FaceID at ng notch habang tatanggalin ang home button.Â
Ayon pa sa Apple, ang iPhone 16e ay mayroong fast performance, breakthrough battery life, at Apple Intelligence o ang sariling bersyon nila ng AI. Mayroon din itong 48MP Fusion camera, na kumukuha ng mataas na kalidad na larawan at bidyo, at integrated 2x Telephoto na may optical zoom.Â
Sa likuran, makikita ang isang 48-megapixel single camera na tila may dalawang camera sa isa. Gamit ang updated na A18 chip, tinitiyak ng iPhone 16E ang long-lasting battery life, wireless charging support, at Type-C port.
Magsisimula ang pre-order ng iPhone 16e sa Biyernes, February 21, at magiging available ito sa elegant matte finishes na itim at puti.
Bagama’t wala pang opisyal na petsa ng paglabas sa Pilipinas, inanunsyo na ng Apple ang presyo nito, na magsisimula sa ₱39,990 para sa 128GB variant. #